Tumahimik ka nalang
Ano bang naitulong mo?
Akala mo kung sino
Ano bang naambag mo?
Puro ka reklamo
Ikaw nang matalino
Puro ka lang ingay
Wag ka ngang pasaway
Walang magagawa
Walang patutunguhan
Pabayaan mo sila
Walang karapatan
Ika’y nakikinabang sa hatid ng poon
Wag ka nang mag-isip
Wag ka nang magtanong
Ang sandata mong taglay ay biyayang ibinibigkas
At kung pag-ibig mo’y tunay
Sumabay nang lalong lumakas
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Ba’t ba ang hilig pumuna?
Di ka nagsasawa?
Ba’t ba ang hilig manggulo?
Ayoko ng katulad mo
Ito ay babala
Mula sa masunurin
Hoy matakot ka na nga
Baka ika’y sugpuin
Wala kang pakinabang
Sa panahon ngayon
Buti pa’t bumulong
Kaysa pa makulong
‘Pag kalooban mo ay tapat
Gagaan ang mga pabigat
At kung sakaling masindak
Tumindig ka’t tayo’y aangat
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Ang kwento ay papanaw
‘Pag matigil ang pag-apaw
Ng katotohanang
Di dapat hayaang magunaw
Dahil inatas satin ang kakayahan ng pagbikas
Gamitin ng mahusay ang sandatang wagas kaya…
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Pakinggan mo ang Salita
‘Di mapigil na Salita
Huwag matakot magsalita
Huwag patitigil magsalita
Ang boses mo’y mahalaga
Boses ng malaya
No comments:
Post a Comment