Naaalala mo ba dati
Nung natapos na ang klase
Nagmamadali na tayong magkita baka sakaling
Maabutan pa natin ang agos ng tao sa kayle
Di mapakali kailangan natin makisali
Naglakad tayo mula
España tungo sa Mendiola
kasabay ng mga militanteng di naman natin kilala
Ngunit ramdam natin ang galit na naka-ukit
Bit-bit nilang karatula
Tila dugo ang ginamit
Na panulat
Nagulat
Doon tayo namulat
Nagising ang pagmamalay
Na hindi mo masusukat
Nahanap natin sa sarili ang pagmalasakit
Kung san nagmumula ang mga hilig nating awit
Pero parang nag-iba na yata ang iyong eksena
Na-ayos na ba natin mga dating problema?
Naririnig mo bang mga sigaw ng dating nakasama?
Matandaan mo sana Ikaw rin ay nakiisa…
Dati!
Diba kasama kita?
Anyare kaibigang
Dati-rating makabayan
Natameme ka na yata sa tahimik na upuan
Habang kalagayan ng lipunan ay kinakalawang
Nakakapanghinayang
Kailangan pa naman ng mga
Boses na matapang
Hindi sana masayang
Pagtindig mo para sa mga walang kalaban-laban
‘Di na ba makatuwiran ang tinig ng mga tibak?
Tingin mo ba sa kanila’y putak lang ng putak?
O di kaya sila’y nabibili na parang salarin?
Binenta ang konsensiya para sa isang kusing?
Naniniwala ka narin ba na kailangang pumatay
Para sa tagumpay?
Diyan ba tayo nahiwalay?
Kaibigan ko pasensya na
sa ‘king mga tirada
Kailangan kang kalampagin
Ituring mong harana
Nakakapagtaka lang parang ‘di kita kilala
Paramdam ka na sana
Mula sa ‘yong nakasama
Dati
No comments:
Post a Comment