Puwede na lang bang manahimik?
Puwede na lang bang manahimik?
Manatili sa ‘king panaginip
‘Di man ako nagagalit
Ngunit alipin ako ng may gamit
Magtagong mga gumagamit
Sa mga walang malasakit
Naadik sa hugis kuwit na bakal
Sabik sa pagkalabit Kabit!
Ang barrel lagyan ng takip
Ako lang naman ay nasingit
Sa kalamigan ng magasin
Ako ay hindi nag-iinit
Kagabi nanaman may nadawit
Pait ng dilim ay nasapit
Humahagulgol sa pag-awit
Mga boses na ‘di kumakapit
Sa tenga nila
Meron pa bang pagdama sa iba?
Anong halaga
Buhay nila Tinapos nang sumiklab ang pulbura
Kung puwede lang sana ako umatras
Kumalas sa rehimen ng dahas
Nang sa gayon ‘di na ako sisisihin
Kapag bumulusok ang bala sa hangin
Dinggin ang hiling
Puwede bang huwag na lang ako?
Ayaw ko nang tumagos sa ‘yo
Dahil inosente ka lang
‘Di ba inosente ako?
Teka, inosente pa ba tayo?
Puwede na lang bang manahimik?
Puwede na lang bang manahimik?
Pag-asa’y hindi na masilip
Baha na sa kalye ang luha
Hala bira pa rin ang mga siga
Ako ang nagsisilbing ngipin
Ng batas ng mga magigiting
Nakalista nang mga may sala
Ang parusa sila nang bahala
Sa kaluluwa
Ang panalangin ba’y may nagawa?
May chansa pa ba
Buhay nila
Magbago sa paningin ng malupit na estado
Gusto ko nang tumakas
Kumalas sa rehimen ng dahas
Nang sa gayon ‘di na ako sisisihin
Kapag bumulusok ang bala sa hangin
Dinggin ang hiling
‘Di ba inosente
‘Di ba inosente ka lang?
‘Di ba inosente
‘Di ba inosente ka lang?
Puwede bang huwag na lang ako?
Ayaw ko nang tumagos sa ‘yo
Dahil inosente ka lang
‘Di ba inosente ako?
Teka, inosente pa ba tayo?
No comments:
Post a Comment