Dicta License : Bagong Bayani Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Monday, April 12, 2021

Dicta License : Bagong Bayani Lyrics

   

(Bagong Bayani)
Hinahamon ng panahon
Sinong tutugon?
Na san na ang mga…
(Bagong Bayani)
Nasisindak sa sigaw
Henerasyon na hilaw
Na san na ba ang mga…
(Bagong Bayani)

Dakilang nagmamahal ng lubusan
Pag-ibig na abot sa karurukan
Lumusong sa agos ng kasaysayan
‘Di ba ‘di pababayaan
Bayan kong nangangailangan
Ng Liwanag
Laban sa Laganap na dilim
Uso na ba na manahimik at hindi punahin
Habang pinapatay ang walang sala
‘Di ko inakalang

Ititikom mo na lamang ang bibig
Sabay hahanga parin
Sa pagbabago
Para kanino
Kahit yumaman tayo
Sa ilalim may anino
Hinuhugasan ang dugo sa kamay
Sa palakpakan kailanman hindi
makakasabay
Ang mga…

(Bagong Bayani)
Hinahamon ng panahon
Sinong tutugon?
Na san na ang mga…
(Bagong Bayani)
Nasisindak sa sigaw
Henerasyon na hilaw
Na san na ba ang mga…
(Bagong Bayani)

Makatang matatapang na walang sawang
Pinagsasalarawan ang lipunang ninakawan
Ng dangal at buhay
Kahit ano pang kulay
Kung sana’y hindi ka panatiko
Nakita mo ang sungay
Ng polisiyang nakabatay
Sa maling prinsipio
Wasakin ang mentalidad
Ng bala at gatilyo
‘Di lahat ng nilalayon
Dapat ka ng sumang-ayon
Ingat lang sa lason ng mensahe
Na nilamon basta
San ka na ba?
Nagtanim dati ng mga punla
Mga katagang
Tumubo sa isip
Mayabong kahit walang pataba

Ang pagkatao mo’y buhay na buhay
Sa halip na tumahimik dapat ngang
mag-ingay ang mga…
(Kalayaan, Katarungan, Kapayapaan)

(Hagulgol ng mga naulila
Sa armadong pakikipaglaban
Maging bagong bayani ka)

Hinahamon ng panahon
Sinong tutugon?
Na san na ang mga…

(Hagulgol ng mga naulila
Sa armadong pakikipaglaban
Bagong bayani ka kaibigan)
Hinahamon ng panahon
Sinong tutugon?
Na san na ang mga…

Na san na ka na?
Hinahamon ka ng panahon ngayon
Hinahamon ka
Hinahamon ka
Hinahamon ka




No comments:

Post a Comment