Dicta License : Elias Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Monday, April 12, 2021

Dicta License : Elias Lyrics

   

Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
Pinangarap ni Elias na namahinga sa dalampasigan
Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
Bilisan mo at baka mawala pa yan diyan 

Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
Di ba meron pa?

Halika, Halika
Balikan ang mga bara
Binitawan ng konsensiya ni Ibarra
Upang ‘di mo malimutan mga yamang
Akda ni Laong Laan, Dimasalang o May Pagasa

Bago pa man siya isinilang hinatulan na
Nanggaling sa angkan na isinuka ng lipunan
Napagbintangan ang Lolo, siya raw ay arsonista
Napilitan ang lola magputa para lang kumita
Hanggang sa lumikas ang pamilya ng trahedya
Palayo sa pagtitig ng mga mapanghusgang mata

Ngunit ‘di kinaya ng Lolo ang buhay na sinapit
Sarili’y sinabit, namayani ang galit
Kanyang tiyo’y naging tulisan
Madugong katapusan
Ang lola naman natagpuan na nakabulagta sa daan

Wala na sigurong mas namuro sa kamalasan
Paano matatakasan ‘pag nakaraan ang kulungan
Ha?

Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan

Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
Di ba meron pa?

‘Di man pinalad kumapit parin sa kuko ng liwanag
Kaloobang umaapaw at handang tumugon sa tawag
Sabi niya: mas galangin pa natin ang dignidad ng sino man
Sa halip na patayan, kailangan ng kanlungan

Unawaan ang konteksto na ating ginagalawan
Ugat ng kahirapan ay hindi lang katamaran
Kundi ‘yang kakulangan ng pagserbisyo sa mamamayan
At pagsuporta sa abusadong sistema ng mga kapangyarihan

Alam kong merong iilang nakakaraos
Ngunit ang karamihan nananatiling nakagapos
Mapang-aping lipunan ay sagadsagaran
Buksan muli ang Noli ang gabay sa ‘ting isipan
At..

Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan

Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
Di ba meron pa?

Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
Pinangarap ni Elias na nagpaliyab




No comments:

Post a Comment