Sinimulan ko noon
Ang mangarap kahit na parang pagong di maawat
Di baleng balagoong
Aking hawak
Ay siguradong mag kakaron ng lamat
Pag nag karoon ng tsansa
Mailakad ko to sa kalsada
Maipalo ang aking tagalog
Parang may bumatok upang makilala
Sino yan batang taga rizal
Ako ay paldo palagi sa dasal
Mahiyain pero makapal
Ang mga sulat kahit na hindi nag almusal
Lamesa ng karangyaan magaling na mekaniko aking tatay
Masarap ang mga luto at turo
Ng aking nanay
Sinubukan ko na
Lahat ay ipusta
Sa sugal na malamang ay di ka kumubra
Pero ayos lang kasi wala naman ako
Talaga na hinahangad
Kundi ang marinig ang mga awit
Kahit na mangawit at naka bilad
Parang daing na hinain sa mahanging kakain
Ama namin ang laging sinasabi ng malalim
Baka sakaling tumawid
May makarinig sa daigdig
Kahit di pa lumalabas sa bibig
Uhaw na pangarap ay may dumilig
Dalawang dekada
Na ang dumaan dagdagan mo pa ng apat na taon
Ilan nang sibuyas ang binalatan
Hindi umiyak kahit na mapikon
Aking nilunok kahit di masarap
Sinalo ko lahat ng bawat patak
Ang mga trabaho dapat manganak
Nakabase sa iyong itinatak
Tandaan mo na madaling gumaling
Kung ako lang ang iyong tatanungin
Ang mahirap ay ikay maging maayos
Huwag kang mag padalos dalos sa bangin
Hindi man ako ang pinaka sikat
Pinaka mabigat na pwedeng itapat
Sa nakakaangat banat kahit binat
Ginawa kong lahat bilang kaibigan mo
#BenteQuatro #Gloc9 #24thAnniversary
No comments:
Post a Comment