Parang ayaw ko nang matulog
Parang ayaw ko nang gumising
Parang wala nang halaga ang mabuhay pa
Sadyang kay bilis at ika’y wala na
O kay lupit naman ng tadhana
Paano makakaya ang langit ikaw ay kinuha
Walang hanggang pag-ibig ang alay sa’yo
Hanggang sa huling patak ng luha ko
Sana umikot pabalik ang orasan
Upang makabawi sa mga pagkukulang
Sana panaginip lamang ang lahat
‘Pag gising ay aking yakap
Ang mahal kong anak
Tikom ang bibig at walang masabi
Di matanggap ang nangyari
Mahal kong anak paalam na
Hanggang doon na lang pala
Sadyang kay bilis at ika’y wala na
O kay lupit naman ng tadhana
Paano makakaya ang langit ikaw ay kinuha
Walang hanggang pag-ibig ang alay sa’yo
Hanggang sa huling patak ng luha ko
Sana umikot pabalik ang orasan
Upang makabawi sa mga pagkukulang
Sana panaginip lamang ang lahat
‘Pag gising ay aking yakap
Ang mahal kong anak
Walang hanggang pag-ibig ang alay sa’yo
Hanggang sa huling patak ng luha ko
Sana umikot pabalik ang orasan
Upang makabawi sa mga pagkukulang
Sana panaginip lamang ang lahat
‘Pag gising ay aking yakap
Ang mahal kong anak
Ang mahal kong anak
Ang mahal kong anak
Parang ayaw ko nang matulog
Parang ayaw ko nang gumising
Parang wala nang halaga…
No comments:
Post a Comment