Nang marinig ko ang bone bone bone
Sinabi sa sarili yon yon yon
Nang marinig ko ang bone bone bone
Sinabi sa sarili
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Nandito na naman ako bitbit ang bagong sulat ko
Ibabahagi sa inyo saglit po lang naman ito
Ikaw ba ay nalulumbay at tila di makasabay
Sa agos na tumatangay gamitin mo akong tulay
Simula nang piliin ko ang landas na dapat tahakin ay kailanma’y ‘di na’ko bumalik
Naiwanan man ang iba na ‘di ko akalain ay medyo mahangin sa paanan ay dapat humalik
Di ko kaya ni minsan ay hindi ko dinaya marunong akong magpaubaya
Kung hindi mo pa talaga oras initin na lang ang sopas at bilangin mo ang lahat ng biyaya
Makukuha mo rin ang sa’yo ang sa’yo ay sa’yo kahit na ano pa man ihanda mo na ang pangsalo
May manggulo mang sanggano kahit na sino pa yan
Tandaan mo lahat ng aking sinabi hawakan palagi dahil ito ang siyang magtatawid sa’yo
Kahit na maputukan ka ng labi basta lumagari talasan ang tari tuwing maririnig mo ‘to
Ang bago ni gloc
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Wala namang masa masama sa maging mahusay
Maipakitamo na ikaw ang may taglay
Sa huli ang isang mahalagang tanong ay
Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay
Hayaan mo na pabaunan kita ng ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis
‘Di ito usapan kung sinong pinakamabilis kung may makalamang sa’yo ‘di ka dapat mainis
Bagkos ay ikatuwa mo gamitin mo upang ang baso mo’y malagyan ng laman
Kunin mo sa mga may duda sa’yong kakayahan bumangon ka diyan upang ‘di tuluyang madaganan
Para pawisan kailangan mong kumilos kasi sa panahon ngayon bihira lang puro bigay bakit tayo tinitipos
Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay
Palakpakan at sigawan ang tangan ay yaman ng mga tulad nating makata
Tama na ang yabang hip-hopang hidwaan putik lang ang siyang mapipiga
Sinong matiyaga
Naiinip na maghintay pagod na sa paghuhukay
Kung ang hakbang mo ay ngalay gamitin mo akong saklay
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Akala mo tapos na mga tuhod ay ngalos na
Sa mainit na baga tinusta kanino pumusta
Sinong kasama sa nilista mga di naniwala kumusta
Di mo ba alam hanggang diyan ka lang ang laging laman ng mga salita na pinalaman
Anong tinatayo mo diyan sige kalagan dapat palaban nakahanda ka dapat na halikan
Kahit sa mga makamandag ay lumapit mataas mang sipatin ay abutin mong bigla
Hindi masamang sumabit dito ka sa kaliwa man o sa kanan puwede rin sa gitna
Ganyan lang ang buhay ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan
Tumayo kahit sumuray ang dugo ay siyang patunay mo na pag-ibig ‘yan
Hindi na kailangan na patunayan na balewala ‘yan kung ‘di kinaya may pagkakataon pa naman
Kahit na ikaw ay mapilayan ang ‘yong kalagayan ay nakasalalay saan mo pinatong ang pinggan
Para meron ka pang magamit kung galit man ang langit di ka mabasa ng ulan
Ginawin ka sa gabi na malamig wala nang nakakarinig sigaw mo ng pagkagipit palagi kang pinapagtaksilan
Sino tandaan mo lang
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
No comments:
Post a Comment