Patuloy na lumiliyab
Apoy sa'yong mata
Pagningas niya'y
Galak sa'king mukha
Habang ako'y humihinga
Hindi mawawala
Nandito lang ako aking sinta
Hindi maitagong saya't
Pananabik kong labis-labis
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Lagi mong alalahanin
Mga bituing kumikinang
Ako'y namamangha
Hindi madaratnang nag-iisa
Ngayon, bukas, makalawa
Kahit kailan pa man
Sa puso ko'y mananatili ka
Hindi maitagong saya't
Pananabik kong labis-labis
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Lagi mong alalahanin
Katotohanang dati lang ay
pinapangarap
Ikaw lang ang buhay ko
No comments:
Post a Comment