Sasamahan ka sa Kyusi
At iikutin na ang UP Diliman
Pagsakay natin ng jeepney
Pupuntahan naman ang bagong sinehan
‘Wag kang mahiya
‘Di kita huhusgahan
Kahit may kaba
Pipiliting ngumuya
At tulala
Ang gusto ko lang
ay ang totoo
Walang hadlang
‘Di mo kailangan
Baguhin ang iyong anyo
Sa Kamuning ba magkikita?
At hahanapin ko ang tamang salita
Magpapaalam na sa reyna
Kung puwede ba kitang
Kasama magdamag
At babantayan
ko palagi ang orasan
Alas-singko lang
Ang binigay na hangganan
At tulala
Ang gusto ko lang
ay ang totoo
Walang hadlang
‘Di mo kailangan
Baguhin ang iyong anyo
Sinabi mo ang totoo
Pinagduduhan ko
Nagtatanong
Kung dapat kong
kitain ka dito
Ang pag-ibig ay tahimik
Hindi kailangan ng nambubuyong lakas
Natulala
ka sa kawalan
Kinakabahan
may nagawa
ba ‘kong kasalanan
kung bakit ka nagkaganiyan
At nagkapatlang
Tahimik na ang
Buong mundo
‘Di ko namalayan
Biglang ikaw lang at ako
‘Di mo kailangan
Baguhin ang iyong anyo
Sasamahan ka sa Kyusi
No comments:
Post a Comment