Nicole Omillo & Ferodina : Kapiling Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Saturday, February 6, 2021

Nicole Omillo & Ferodina : Kapiling Lyrics

   

Dumaraan ang bawat araw na hindi ka kasama
Binibilang ko ang oras sa wala
Hanap ko palagi ang yakap mo
At para bang nandito ka lang sa tabi ko

Kapiling kita malayo ka man
Di nag-iiba ang nararamdaman sayo
Walang hahadlang pagkaitan man
Ang ating mundo

Nagbabakasakali na sana’y mapakinggan
Mga panalangin natin pagbigyan
Alam kong darating ang panahon
Na tayo ay ‘di na magkakalayo

Kapiling kita malayo ka man
Di nag-iiba ang nararamdaman sayo
Walang hahadlang pagkaitan man
Ang ating mundo

Kahit gaano man kalayo
Andito pa rin tayo
Hindi nagbabago tibok ng puso
Ikaw at ako

Kapiling kita malayo ka man
Di nag-iiba ang nararamdaman sayo
Walang hahadlang magkaiba man
Ang ating mundo

Ako ay nananabik sa piling mong magbalik
Walang magbabago sa aking pangako
Ikaw pa rin (Ikaw pa rin) ang pipiliin (ang pipiliin)
Sana’y iyong dinggin


No comments:

Post a Comment