Kung gabi ang dilim ay laganap na
At mata ng daigdig ay nabulag na
Sa harap ng aking wari'y kawalan
Init mo ang aking nararamdaman
Parang apoy ang init mo sa magdamag
Saan man naroon ay mayroong halik
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadama'ng pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag
Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasaan ka, pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Saan man naroon ay mayroong halik (sa bisig mo'y sabik)
Pagdampi sa iyo ay magdirikit (sa init ng halik)
Sumisigaw ang aking bawat sandali (may luha at tamis)
Nadama'ng pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag
Kung langit sa akin ay ipagkait (kung ang apoy sa magdamag)
Dito sa init mo'y muling makakamit (ang init mo ang langit kong hinahanap)
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasaan ka, pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasaan ka (nasaan ka), pagsaluhan natin (oh, nasaan ka)
Pagsaluhan natin ang init sa magdamag
Sa magdamag
No comments:
Post a Comment