Naaalala mo pa ba kung pa'nong nagsimula
Dalawang pusong pinaglapit ng tadhana
Pangarap nating abutin ang langit at bituin
Ngunit bigla na lang nagbago
Bigla na lamang lumayo
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay sabay na huminto ang mundo
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay nga tayong naglakbay ngunit sa dulo'y
Naghiwalay
Naaalala mo pa ba ngiti sa'ting mga mata
Pilit binabalik ating alaala
Tangi kong hiling sana ay dingin
Bigyan ng pagkakataon
Mahal kita hanggang ngayon
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay sabay na huminto ang mundo
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay nga tayong naglakbay ngunit sa dulo'y
Naghiwalay
Pinilit kong limutin ngunit ‘di maitago ang lungkot
Sana'y iyong marinig ang sinisigaw
Ako at ikaw
Hindi mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay sabay na huminto ang mundo
Hindi ko alam, na tayo'y nasaktan
Sabay nga tayong naglakbay ngunit sa dulo'y
Naghiwalay
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay sabay na huminto ang mundo
Di mo alam, kung pa'no nasaktan
Sabay nga tayong naglakbay ngunit sa dulo'y
Naghiwalay
No comments:
Post a Comment