Madilim na paligid
Nangangapa sa gilid ng bangin
Hindi alam kung ‘san pupulutin
At kung anong mangyayari sa’kin
Kahapon ako’y napagod
Sa mga bagay na gumugulo
Sa aking panaginip
Biglang may tumawag sa’kin
Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan
Malubak na kalsada
Ako lang ba ang dumadaan?
Wala daw patutunguhan
Kung ako ay lilihis ng daan
Ako ay biglang nagising
Sa aking panaginip
Nakausap mo ba si bathala
Sabi n’ya s’ya ang bahala
Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan
Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon
Ayaw ko muna bumangon baka mas lalong umalon
Mag-iisip lang maghapon kung pa’no ko itatapon
Mga pasakit kahapon pa’no ko ba maaahon?
Malapit na ang panahon, panahon ng paghuhukom
Nag-iiba na nga ngayon wala pa rin bang direksyon?
Ikaw ang aking koneksyon bahala ka panginoon
Tapos na ang bagong taon, magbabago na rin ngayon
Ilang taon na nagkulong maaga akong nalulong
Sa tenga ko may bumulong agad ako na nagtanong
Bakit ako umalulong hinihingal ng paurong
Dahil sayo panginoon patuloy lang hanggang ngayon
At masasabi sa sarili magtiwala lang palagi
Titibayan ang haligi para di nila madali
Talangka na nagsasabi na malabo’t imposible
Patuloy na aatake ay bathala ko parati
Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan
Mga sinulat kong paksa pahaging lang ng bahagya
Huwag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula
Sa aklat ay nakatala mula ‘nong unang simula
Kung ikaw ay nakatakda baunin mo ‘yon pagtanda
Ika nga ng matatanda gumalang ka na may akda
Sikapin mong maging handa sa panahong walang wala
Durugin kang dapang dapa sa langit ka tumingala
Pigilin mo na magwala, wala ka d’yang mapapala
--“Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan”--
Palagi ka lang huminga laliman mo sabay buga
Alalahanin ang lahat kung pa’no ka nagsimula
Baunin mo laging dala mga pinapayo nila
At huwag ka na mag-alala parating na ang padala
Na-traffic lang ng bahagya ‘yong hiniling mo sa ama
At huwag ka sanang sumama ang loob mo sa kanila
Kusa din ‘yang mawawala manalangin ka sa kanya
Alalahanin ang buhay kung ga’no ka kahalaga
Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
No comments:
Post a Comment