Pareng Elbiz : Bitbit Ko Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Monday, January 25, 2021

Pareng Elbiz : Bitbit Ko Lyrics

   

Tanda ko ang sabi mo sa’kin na wala akong mapapala pala pala pala
Palarin ang isang katulad ko napakalaking himala mala mala mala
Malabo ang nais ko at marapat lang na ako’y madala dala dala dala
Dalangin ko’y suntok sa buwan kaya ‘wag na akong mag-abala bala bala bala

Balakid malapit man sa’kin nakakapit na ani
Moy kapatid batid pa ring may kapalit na ani
Ang aking tinatanim naaaninag pa rin
Ang liwanag na hinanap na sa’kin lang nanggaling
Dahil kung iaasa ko ang pag-asa sa paasa ng iba naku asa pa!
Di baleng maglakbay ng mag-isa basta aking mga paa
Alam kung saang lugar ako papunta
Ngayon sinong nasa’n na?

Kung ako ay naniwala sa sinabi sa’kin ng iba
Di mo maririnig awiting ‘to
Di ininda pagdududa at mga pagtataka nila
Kung ba’t itong daan napili ko
Damdamin ang sinunod ko kaya di nga alintana
Kung ako man ay mabibigo
Walang pag-aalinlangan kahit na madalas mag-isa
Pagkat bitbit ko ang sarili ko

Nung una ay marami sila na sa’kin ay natatawa tawa tawa tawa
Tawagin man nila akong baliw sa kanilang mga mata mata mata mata
Matatanto nila balang araw aking mga likha’t gawa gawa gawa gawa
Gawaran ng karangalan bilang lang ang ngalang nakatala tala tala tala

Talahib sa’king tatahakin ay aking tatabasin
Matalim na tabak ang gamit anumang panganib
Ay aking haharapin hanggang aking marating
At maging malaya na parang hangin sa langit
Di nagpatalo sa’king takot at kaba
Kahit di pa sigurado nung ako’y nag-umpisa
Ngayon masasabi ko na sulit lahat ng hinakbang
Pasulong ‘kad at tuktok lang natatangi kong puntirya!

Kung ako ay naniwala sa sinabi sa’kin ng iba
Di mo maririnig awiting ‘to
Di ininda pagdududa at mga pagtataka nila
Kung ba’t itong daan napili ko
Damdamin ang sinunod ko kaya di nga alintana
Kung ako man ay mabibigo
Walang pag-aalinlangan kahit na madalas mag-isa
Pagkat bitbit ko ang sarili ko

Bitbit ko ang sarili ko
Pagkat bitbit ko ang sarili ko
Bitbit ko ang sarili ko
Pagkat bitbit ko ang sarili ko

Matarik man ang lalakbaying daanan
Mabato’t maraming nakaharang alam ko na ang natawing nakaabang
Sa taas para sa’kin ay puno ng kagandahan na magbabawi ng anumang pinaghirapan
Pinagpagura’t punagpuyatan buti na lang imbes pangunahan ng duda mas lalo ko pang pinaghusayan
Maraming beses din akong nadapa masaklap pa nun una mukha pa
Pero kada bangon nagawa pang tumawa kahit pakiramdam parang nakulata
Di nagdalawang isip na makipagsagupa sa anumang kalabang iharap ng tadhana
Imbes tumunganga’t mangalumbaba kinuha ko ang tyansang baka maka-tsamba

Kung ako ay naniwala sa sinabi sa’kin ng iba
Di mo maririnig awiting ‘to
Di ininda pagdududa at mga pagtataka nila
Kung ba’t itong daan napili ko
Damdamin ang sinunod ko kaya di nga alintana
Kung ako man ay mabibigo
Walang pag-aalinlangan kahit na madalas mag-isa
Pagkat bitbit ko ang sarili ko


No comments:

Post a Comment