Kristina Academia : Aalis Na Lang Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Thursday, January 7, 2021

Kristina Academia : Aalis Na Lang Lyrics

   

Tingin na may gustong sabihin
Pusong basag na nagkukunwaring di ako bigo
Sarili ay pinipilit ngunit di pa rin pinipili ng puso mo

Sayang ang pagmamahal ko sayo na di ko maipadama
Nagaabang nang kaytagal ngunit nakatingin ka sa iba
Hindi pa rin ako kung pwede bang ako na lang

Magtitiis na lamang na masaktan
Luha man ang kapalit sa ‘yong kaligayahan
Magpaparaya may magagawa pa ba
Kung di talaga pwede ay aalis na lang

Nakatingin sa salamin
Araw gabi napapaisip ba’t di ako
Anong mali sa akin
Ika’y di mapasaakin sabihin mo

Sayang ang pagmamahal ko sayo na di ko maipadama
Nagaabang nang kaytagal ngunit nakatingin ka sa kanya
Hindi pa rin ako kung pwede bang ako na lang

Magtitiis na lamang na masaktan
Luha man ang kapalit sa ‘yong kaligayahan
Magpaparaya may magagawa pa ba
Kung di talaga pwede ay aalis na lang

Dakilang hangal
Umiibig kahit di mahal

Tingin na may gustong sabihin
Pusong basag na nagkukunwaring di ako bigo
Aalis na lang


No comments:

Post a Comment