Krisostomo : Tulala Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Saturday, January 9, 2021

Krisostomo : Tulala Lyrics

   

Lagi kang panaginip at
Di ko maiwasan na palagi na isipin ka
Hanggang kailan kaya maghihintay
Palaging panalangin na ikaw ay makapiling naa

Di ko alam aking gagawin
Sa tuwing ikaw ay paparating
Nalilito, di alam gusto
Kailan mo ba mapapansin?
Katulad ko nakatago
Parang salaming lumalabo
Kung manalo man o matalo
Uuwi pa rin na ganado
Na ipagpatuloy damdaming hindi ko matukoy
Sa bawat araw na dumadaan
Tangi kong pinapangako hanggang sa dulo’y
Hindi ka bitawan kahit na hindi ko pa nahawakan
Ang mga malambot mo na kamay parang nakikinig ako sa kanta na “KLWKN”
Hindi naman masama ang mangarap
Ganon lang kasimple kahit na hindi to pepwede
Sayo ko lang itututok ang lente
Halaga man ay parang tigbebente
Saya ko sayo lang nakadipende
Kahit na parang ito’y imposible
Mananalangin pa ako ng triple

Laging natatahimik
Sa tuwing tumititig
Natutulala sa ganda
Gusto ko man na lumapit
Di na ipipilit
Sapat na yung makita ka na masaya


Lagi kang panaginip at
Di ko maiwasan na palagi na isipin ka
Hanggang kailan kaya maghihintay
Palaging panalangin na ikaw ay makapiling na

Kahit pagalitan, di mapipigilan
Pakiramdam na parang hinihinipan
Kiligan sa tagiliran
Kasabay kang mahirinan sa
Tuwing magkasalo hanggang magpalitan ng baso
‘La man akong matatawag na “tayo”
Pero alam kong sayong sayo na ko, Oo
Kahit na mainit di mo mapapatahimik ang
Pusong ikaw ang sinisigaw kahit dosena man sakin ang nakapaligid
Busog na sa “TITIG” hindi ko na ata kaya pang pumudtrip pa
ulit ulitin tatawarin kahit pa ang daan ay makitid a
king ipipilit hanggang ang tinginan ay maging pag-ibig
Sa king panaginip maging totoo kay tagal nang inisip
na makapiling, makasama sa kahit na anong tema at drama
Sa akin sanang muling pagtaya umaasang walang paghinto ang saya kasi
Hindi naman masama ang mangarap
Ganon lang kasimple kahit na hindi to pepwede
Sayo ko lang itututok ang lente
Halaga man ay parang tigbebente
Saya ko sayo lang nakadipende
Kahit na parang ito’y imposible
Mananalangin pa ako ng triple


Laging natatahimik
Sa tuwing tumititig
Natutulala sa ganda
Gusto ko man na lumapit
Di na ipipilit
Sapat na yung makita ka na masaya


Lagi kang panaginip at
Di ko maiwasan na palagi na isipin ka
Hanggang kailan kaya maghihintay
Palaging panalangin na ikaw ay makapiling na




No comments:

Post a Comment