‘Di man tayo makapag-caroling
Na may dalang gitara’t tambourine
‘Di madalaw ninong at ninang
Ang aguinaldo ay paano na?
‘Di man tayo makapagsimba
Na kasama buong pamilya
‘Di man natin mapagsaluhan
Puto’t bibingka kape at suman
Ang tunay na noche buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa Aba
Ang tunay na noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos
Paano na ang Christmas party
Mga sayaw at masiglang pagbati
Paano rin ang mga regalo
Pagbibigayan ngayong pasko?
Ang tunay na noche buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa Aba
Ang tunay na noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos
Maging pag-asa sa ating kapwa
Maging kanlungan ng dukha
At sama-samang makisalo
At magdiwang ngayong pasko
Ang tunay na noche buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa Aba
Ang tunay na noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos
No comments:
Post a Comment