Luha ng lupa
Binubuhos ang mga basura natin
Unti-unting nawawala ang lahat ng ‘to
Nakalimutan magising
Luha ng ulap
Binubuhos ang mga sinunog natin
Poot at galit lang ang naramdaman
Nagkunwari na lang na walang alam
Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin
Luha ng puno
Kinakalbo upang tumaas ang tubo
Hinahayaan lang maubos ang lahat
Nakalimutan magmasid
Sabi ng lupa
Makikinig po ba kayo sa akin
O dadating ang oras na wala na ‘ko
Tao na ang pagkain niyo
Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin
Gusto ko lang huminga sa purong hangin
Gising na ma, wala na tayong pagkain
Luha ng lupa
Naririnig mo ba
Umiiyak ang mga ibon
Ngayong gising ka na
Mahahabol pa ba
Ang panahon para mabuhay pa
No comments:
Post a Comment