Ngayong pasko
Tila may kakaiba at merong pagbabago
Sa ating paligid pati na din sa mga tao
Para bang nawawala ang diwa ng pasko
Sa pandemya tayo ba ay nagpatalo
Kababayan huwag naman
Hindi dapat magkaganyan
Sa bawat bukas ang araw
Ay sumisikat pa naman
Halika’t tayo’y lumabas
At ating mararamdaman
Malamig ang hangin
Tara sa bibingkahan
Makulay na mga parol
Kalembang sa ‘ting simbahan
May bagong pag-asa at saya
Ngayong kapaskuhan
Ngayong pasko
Hindi kailangan maging isang milyonaryo
Hindi kailangan manalo ka sa lotto
Hindi kailangan marami kang pera sa bangko
Hindi din naman kailangan mahal ang regalo mo
Kung wala kang pambili
‘Di mamigay ka ng ngiti
Magsabog ng pagmamahal
Kaway-kaway lang, bati-bati
Halika’t tayo’y lumabas
At ating mararamdaman
Malamig ang hangin
Tara sa bibingkahan
Makulay na mga parol
Kalembang sa ating simbahan
May bagong pagasa at saya
Ngayong kapaskuhan
Ngayong gabi
Kahit ‘di sila masyadong magaling
Hinihintay pa rin natin silang mag-caroling
We wish you a Merry Christmas, we wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas and a happy new year
We wish you a Merry Christmas, we wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas and a happy new year
Thank you, thank you, ang babait ninyo thank you

Thank you (thank you), thank you (thank you), ang babait ninyo, thank you
(Merry Christmas)
Thank you (Merry Christmas, everyone), thank you, ang babait ninyo, thank you
We wish you a Merry Christmas and a happy new year
No comments:
Post a Comment