Gloc-9 - All School Lyrics - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Wednesday, November 4, 2020

Gloc-9 - All School Lyrics

   "All School" lyrics:

Ako si Gloc-9
Batang binangonan Rizal
Taga sulat ng tula kahit
medyo matagal

Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal
Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal

Bakit kailangang pakinggan
Ang mga hirit ng inggit
Di mo naman katuwang sa mabibigat

Habang lumalakad sa mataas na bangin
Hindi ka umiiling
kahit matamaan ng kidlat

Sigaw ka ng sigaw pero walang nakikinig walang bumibilib
Hanggang sa tuluyan kang mamalat

Makamit mo lamang ang mga minimithi mong pangarap hindi bale nang mamatay ka nang dilat

Nakakapuwing ang lupa pag tumama sa mata
Mahirap mag salita pag nilamon ka ng kaba

Pang hinaan man ng loob huwag kang mag pahalata
Kung hindi mo man maaninag puwede kang mangapa

Maputikan man ang iyong mga palad o paa
Sarili mo lamang ang syang kalaban mo di iba

Habulin mo nang habulin kung sino ka sa pangarap iyong mahahanap kapag nasa malayo ka na

Tanawin mo ang mga dinaanan mo dati
Kalimutan ang mga masasama na sinabi

Iwasang maka sagi ng paa kung maaari
Kahit na kung minsan ay medyo nakakalalaki

Ayos lang
Basta relax ka lang
Huwag kang hibang
Huwag padamihin ang ilang
Nang iilang
Ikaw lang ang nag iisang
May alam
Kung anong mapupuntahan

Nang yong ginagawa
Meron ka ba dyang mapapala
Kahit sabihin pa ng iba na yan ay gawa gawa

Hindi naman imbitado
Kinakapalan ang mukha
Kinakausap ang sarili
Medyo maluha luha

Punasan asan na ang pag asa
Sa musika parang nawalan ka ng
Panglasa

Walang mainit na tubig madami ang tasa
Sa panahon ngayon di madali ang umasa

Bobolahin ka ng mga kumpanya
Pero ang mahalaga lamang ay ang kanya

Babalutan ng mga salitang kay ganda
Bago pa mahulugan ang iyong alkansya

Madaming nag sasabi sayo na
Umalis ka nalang
Ginagalingan mo palagi pero panis ka naman

Natuyo nang mga labi na hindi madampian ng mamantika na ulam sa aming hapag kainan

Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa
Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa

Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa.



No comments:

Post a Comment