Ngayo’y bumabalik ang mga alaalang kay pait
Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit
Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit
Kaya hayaan sana na ako ngayo’y mapag-isa
Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y
Wala na
Na ika’y wala na
Dahan-dahang sasanayin ang aking sarili
Unti-unting aangat, naghihintay ng tamang saglit
Hinay-hinay, 'wag naman sanang imadali
Kaya pagbigyan na na ako ngayo’y mapag-isa
At 'wag nang mag-alala, sa tamang panahon, ako’y babangon na
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y
Wala na
Na ika’y wala na
Malalim na hininga, damdamin ibuga
Nabibingi sa katahimikang dala
Ng pusong hingalo
Pagod, sumusuko
Oh oh oh oh
Oh oh oh oh
Oh oh oh oh
Oh oh
At aking aalamin
Mga tanong na 'di binabanggit (binabanggit)
Mga sagot hinihingi
Hahanapin ang nakakubli (nakakubli)
Pinaglaban, pinaglaban ko sana
Ngunit wala na, wala na ’kong magawa
At aking aawitin
Lahat ng damdaming kinimkim
'Di pa kayang mawala
Kaya hayaan sana
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y
Wala na
No comments:
Post a Comment