VERSE
Oh, panahon na naman na mayro’ng darating
pagkalipas ng ilang buwan ako’y naiinip
Napag-iisip isip na kung ano’ng gagawin
Napag-iipon ipon din sa mga bibilhin
Kahit na Setyembre pa lang, tayo’y namimili
ng mga parol na isasabit ngayong gabi
Bata na nangangaroling habang pumipitik
Buti na lang kasama kita
PRE CHORUS
At ang sabi niya “hindi ko na alam ang gagawin”
Hindi alam ano ang bibilhin
At ang sabi ko na lang
“Sinta, Mahal Kita”
CHORUS
Sa hirap at sarap
Ika’y aking tanggap
At sabi ko na lang
Sinta, Mahal Kita
Walang pakialam
Kahit mahusgahan
Nagmamahalan lang
Sinta, Mahal Kita
VERSE
Oh, tag-ulan na naman, ikaw ay darating
pagkalipas ng ilang buwan, ako’y nasasabik
Dala-dala mo ang iyong mga napamili
Kay tagal kong di nasilayan ang iyong ngiti
Kahit na Setyembre pa lang, ako’y nasasabik
na ikaw ay aking mahalikan sa’yong pisngi
Bata pa lang tayo ikaw na ang aking binhi
na aking dinidiligan
PRE CHORUS
At ang sabi niya “Hindi ko na alam ang gagawin”
Hindi alam ano ang bibilhin
At ang sabi ko na lang
“Sinta, Mahal Kita”
CHORUS
Sa hirap at sarap
Ika’y aking tanggap
At sabi ko na lang
Sinta, Mahal Kita
Walang pakialam
Kahit mahusgahan
Nagmamahalan lang
Sinta, Mahal Kita
BRIDGE
At ngayo’y nandito na
makakasama ka
magpakailanman
At hindi na bibitaw
Sayo’ng mga kamay
At sasabihin lang
“Sinta, Mahal Kita”
MELLOW CHORUS
Sa hirap at sarap
Ika’y aking tanggap
At sabi ko na lang
“Sinta, Mahal Kita”
Walang pakialam
Kahit mahusgahan
Nagmamahalan lang
Sinta, Mahal Kita
CHORUS
Sa hirap at sarap
Ika’y aking tanggap
At sabi ko na lang
“Sinta, Mahal Kita”
Walang pakialam
Kahit mahusgahan
Nagmamahalan lang
Sinta, Mahal Kita
OUTRO
Walang pakialam
Kahit mahusgahan
Nagmamahalan lang
Sinta, Mahal Kita
No comments:
Post a Comment