"Kalmado Part 1" lyrics:
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Ibang klase pagkadale, balikang mala-lagare
Utak ang palalakarin, bitawan mga bagahe
Pasensya pahahabain, ang plano pagaganahin
Lahat ay makaka-kain, salamat, mapapa-amen
Sagadan hanggang sa dulo, tiyaga kung meron mang tulo
Bitaw palaging todo, sigaw ay nasa tono
Ikaw lang din kikilos, ikaw mismo kukuha
Sila yung manghihila, sila din manghihina
Walang makakaawat hanggang sa makalapit
Sariling byahe lakad, hindi lang nakasabit
Hindi pa man makuha atleast ay sinubukan
Sagot ay laging hanap, hindi ko sinukuan
Minsan ay tinutulan kaya ko tinutukan
Pag-asa tinubuan, lahat yan tinuruan
Lakbay kahit walang kasabay, sumakay
Kahit kelan wag kang matakot sumablay
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado
Balewala mga tira ng palengkerong aligaga
‘Di ako interesado sa market n’yong pang talipapa
Daming dada ‘lang ginawa kundi manghila paibaba
Pare sukat na ang narra para sa inyong parihaba
Sadyang maingay ang mga nakatali na aso
Lalo na pag hindi pinapakain ng amo
Nanggagalaiti ang mga feeling mas gago
Samantalang ako’y nananatiling kalmado
Galit galitan sa opinyon ko’t pakiramdam
‘Di ako mainit ‘di manlang ako lumigamgam
Bakit ako magagalit nasabi na sa’kin dati yan
Mas masakit kasi kalaban nyo’y walang pakialam
Alam kong gusto nyo lang naman ay magka-views kayo
‘Di magpapaaning sa mga kabobohan nyo
Kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo
Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sayo
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado
Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
No comments:
Post a Comment