"Hugas Na Rin 'Yan" lyrics:
Wisik wisik man
Sayang ang tubig, man
Basta mabasa ng konti
ay hugas na rin yan
Wisik wisik man
Sige huwag nang sabonan
May isa ka nang mikrobyo
na natanggal dyan
P’wede na ‘yang
p’wede na hugas
‘Di mo alam
Ako ay hudas!
Punas punas gang gang
Hugas na rin yan yan
Para madali’t di mahirap makapitan
Gilid at pagitan
Mag palipat lipat mula ulo
hanggang paanan
maluwag o masikip
punas punas lang ulit
P’wede na ‘yang
p’wede na hugas
‘Di mo alam
Ako ay hudas!
Miss hugas bilis
dalian mo na please
hugas na rin yan miss
para makaalis
Hindi na uso ang nag mamalinis
kasi pag matagal ay nakakainis
Kaya miss hugas bilis
Puwede na rin yan sis
Deadma sa tiis
At linis na panis
P’wede na ‘yang
p’wede na hugas
‘Di mo alam
Ako ay hudas!
Mister tissue boy
kaya naman ako'y
tuwang tuwa sige hila pa
habaan mo hoy
Mister tissue boy
saan ka man dumaan
sa tissue ay paramihan
Kahit merong amoy
sige lang tuloy tuloy
kasi sa 'yong mga kamay
kami ay mag lalaboy
Mister Tissue boy!
P’wede na ‘yang
p’wede na hugas
‘Di mo alam
Ako ay hudas!
Ako’y TAGUUUUMPAAAAAAY
Sa maling HUGAS KAMAAAAAY!
Mali mali ang rap mo
Lampaso ka sa rap ko
Lahat ng 'yong sinabi
Buburahin ko lahat 'to
‘Di p’wede yan! ‘Di hugas ‘yan!
Sundin mo man – patay ka d’yan!
Sa basang kamay sabon ilagay
Kuskos sa pagitan
kasulok-sulokan
Bente segundos
Kaka-kuskos!
Bente segundos
Kaka-kuskos!
Tigil na ‘yang
P’wede na hugas
Mag Safeguard wash
Germs matotodas
Tigil na ‘yang
P’wede na hugas
Mag Safeguard wash
Germs matotodas
No comments:
Post a Comment