We Got - Lihim na Pagtingin (Lyric Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Saturday, March 28, 2020

We Got - Lihim na Pagtingin (Lyric Video)

We Got - Lihim na Pagtingin (Lyric Video)

Sony Music Philippines





All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Lihim na Pagtingin" lyrics:



Labis kitang iniibig
Hindi mo ba nahahalata?
Lumalala, aking nararamdaman
Sa tuwing kasama kita sinta

Para bang nalibot ko na
Ang buong mundo sa piling mo
Palagi akong natutulala,
Lalo’t ‘pag ikaw ang kausap ko

Bakit ‘di mo pa aminin at sabihin
Na meron ka ring lihim na pagtingin
Pinapanalangin na maging akin
At sana balang araw ay maging tayo rin
Ikaw ang pag-asa’t tanging ligaya
Sa buhay ko ikaw ay mahalaga
‘Di ko nanaisin pang mawala ka
Ang dulot mo’y puno ng saya

Nais ko lang naman marinig
Na magmula sa iyong bibig
Na mahal kita huwag kang mag-alala
Ikaw lang at wala nang iba

Halos hindi na makaimik
‘Pag ika’y sa’kin tumititig
Ano bang ibig sabihin
Ng mga ngiti mong kay tamis?

Bat ‘di mo pa aminin at sabihin
Na meron ka ring lihim na pagtingin
Pinapanalangin na maging akin
At sana balang araw ay maging tayo rin
Ikaw ang pag-asa’t tanging ligaya
Sa buhay ko ikaw ay mahalaga
‘Di ko nanaisin pang mawala ka
Ang dulot mo’y puno ng saya

Pero ayokong umasa habang buhay
Sa pag-ibig mo na tunay
Ang tanging hiling ko lang naman ay
Sana malaman ko

Bakit ‘di mo pa aminin at sabihin
Na meron ka ring lihim na pagtingin
Pinapanalangin na maging akin
At sana balang araw ay maging tayo rin
Ikaw ang pag-asa’t tanging ligaya
Sa buhay ko ikaw ay mahalaga
‘Di ko nanaisin pang mawala ka
Ang dulot mo’y puno ng saya

Ang dulot mo’y puno ng saya
Ang dulot mo’y puno ng saya

No comments:

Post a Comment