Mike Kosa & OG Sacred ft. Skusta Clee - Iisang Tulay (Lyric Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Monday, March 23, 2020

Mike Kosa & OG Sacred ft. Skusta Clee - Iisang Tulay (Lyric Video)

Written and Performed by : Mike Kosa, OG Sacred & Skusta Clee

Lyric Video by Iyazu Tokogawa
Beat Produced by Ted Salinel
Mixed and Mastered by : Kierz Ferrer
Recorded At : Kalookals Musik Recording Studio

Partners in Rhyme
Obramismo





All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Iisang Tulay" lyrics:


First Verse:

Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila
Tumutok ang pangalan sa roleta't Makilala
Sa daming kumikinang marami parin ang iilang
Yamang di pa nakikita na parang Yamashita
Iba't ibang pakara kanya-kanyang mga padama
May mahusay, may pera, may tyaga at nakachamba
Patipato ang gusto, kahit may pamanggulo
Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo
Industriyang kinamulatan nating tila paligsahan
kanino tatapat ang ilaw dito sa Gitna
Aral na Di kagad pumasok sa ulong may katigasan
Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
Mga iheng nagtaasan mga kwentong paangasan
ngyare tong Lahat sa nilakaran Kong daanan
Alam mo na di kailangan mgbungguan magbanggaan
Kung tayo tayo din Ang magkikita sa Hangganan

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

2nd Verse: OG Sacred

Ibat ibang himig minsan negosyo minsan ay Hilig
May Mga Bunga ng galit at may dahil sa Pag ibig
Maraming Nagsisitsitan , sa Daming Nagsisiksikan
Sa Pila nag sisingitan Sa Pwesto nag kikiskisan
Kampo Kampo bukod bukod Lahat may saksak sa Likod
Pag Bago Para bang obligadong Maging taga sunod
Lahat may pang ambag Lahat puro gigil
Kada may Dadagdag meron naniningil
nakikiuso lang pag bago laos na pag naluma
Mababaw pag sumikat pg malalim di makuha
ng kamulatang pasa pasa
Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura
Sama sama Sa isang tulay habang naglalaglagan
Kapayapaan ang sinisigaw habang Nagbabanggan
Tayo tayo di na magbabago Lika sumama ka
Buksan ang isip na sarado sa Pagkakaisa

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

3rd Verse:

Hatakan tayo paakyat , Hanggat sa Umangat
Hanggang Ang ating Musika ay Tangkilikin ng Lahat
Akayin ang mga Luma Gabayan ang mga Bago
Bawas nega Bawat kilos dapat laging Positibo
Sakripisyo tyaga at hirap pagsusumikap
Ang Mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap
Alam ko na alam nyo rin
Na Kaya Natin tong Gawin
Sa Ngalan ng Kultura sama sama natin tawirin

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

No comments:

Post a Comment