Zsaris - Kahapon (Official Audio) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Wednesday, February 12, 2020

Zsaris - Kahapon (Official Audio)

Watch the Official Music Video of "Why" by Lian Kyla.

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.







All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Kahapon" lyrics:


Sumabay sa galaw ng mundo
Sa alon at takbo ng oras
Napag-iiwanan
Ako’y paulit-ulit na nagpupumilit
Parating sumasabit
Ayoko na

Tumingin sa salamin
At subukang alamin ang
Tunay na damdamin
Hindi matantya
Ang tama o mali
Mahirap at madali
Itim ba o puti
Naguguluhan na
Ngunit ngayon
Maglalakbay at magpapatangay
Sa hangin
Saan man dalhin
Heto ang aking mga kamay
Dahan-dahang kumakaway
Naghintay ng pagkakataon
Naubos ang panahon
Sawa na akong manghinayang muli
Ang mga sandali
Hindi na mababawi
Kailan pa ko magsisimula
Ngunit ngayon
Maglalakbay at magpapatangay
Sa hangin
Saan man dalhin
Heto ang aking mga kamay
Dahan-dahang kumakaway
Dahan-dahang magpapaalam sa (Kahapon)
Unti-unting magpapaalam sa (Kahapon)
Handang-handa nang magpaalam sa (Kahapon)

Ngayon
Maglalakbay at magpapatangay
Sa hangin
Saan man dalhin
Heto ang aking mga kamay
Dahan-dahang kumakaway
Sa kahapon

No comments:

Post a Comment