Paalam - Esseca (Official Lyric Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Sunday, December 15, 2019

Paalam - Esseca (Official Lyric Video)

Composed and arranged by esseca
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by esseca & njs
Recorded, mixed and mastered by njs








All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Paalam" lyrics:


Pagkatagal-tagal kong hinintay ang pagkakataong ito
Pero bakit tila pinagbaligtad ang magkabilang mundo
Mundo nating dalawa sana’y ‘di na lang pinagtagpo
Mga alaala’y ‘di mabura sa isipan ko
Bakit ganito
Tuwing naririnig ang boses mo
Ang pagpatak ng mga luha’y dire-diretso
Patawad sana sa aking mga nagawa
Ngayon alam ko na kung bakit ka nagsawa
Ngayon nag-iisa
Sa aking kwarto
Hindi alam kung anong salita
Ang dapat kong sabihin para mawala
Ako sa mundong ‘to
Bakit ganito
Ako ay susuko
‘Wag ka nang sumuyo
Ako’y lilisan na papalayo

Paalam, paalam, paalam na
Paalam, paalam, paalam na
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Hindi na, hindi na, hindi na nga

Pero bakit tila pinaglaruan lang tayo ng tadhana
Sa panahon na ‘di maalaga
Bakit parang ‘di mo maalala
Ako lang ang lalaki sa isipan mo
Ngayon binilang ko bakit parang tatlo na kami dito
Sa puso mo, sa puso mong wala man lang espasyo
Sabi mo ako lang ang mahal mo
Pero parang gago, ikaw ay nagtatago, merong panibago
Ilang buwan ang lumipas
Tila ‘di ka pa rin malimutan
Kung pa’no nga ba tayong dalawa nasayang
Bagong-bago pero bakit kailangang palitan
Nag-iiwasan, ‘di ko matiis
Pwede ka bang tawagan
Ngayong gabi, ikaw ang kailangan
‘Di na makabangon
Kay bilis naman lumipas ng panahon

Siguro nga hindi pa tamang oras para tayong dalawa'y mag-usap
Hindi ko din alam kung ba't bigla na lang nawala ang mga pangarap
Bakit ba palagi na lang ako sa ‘ting dalawa ang naghihirap
Pa’no mo ko binitawan na para bang basura sa isang iglap

Patawad na mahal, ako lang ay nasaktan
Gabi-gabi umiiinom
Sigarilyong almusal sa umaga, problema
Hanggang dito na nga lang ba
Wala nang natitirang pag-asa
Mala-libro na ‘di natin mabasa
Kay tagal-tagal nakapikit pa rin ang ‘yong mga mata

Tayong dalawa
‘Di na masaya
‘Di na aasa na babalik ka pa

‘Wag na ‘kong isipin
Ito ay lilipas din
Pangako sa akin
Kakalimutan ko na rin

Mga salitang binitawan
Ba’t pati ako ay binitawan
Bigla na lang nang-iwan
‘Di na ipagpipilitan
Basta't pinagsawaan
May iba ka nang sinasamahan
May iba ka nang sinasamahan
May iba ka nang sinasamahan

Paalam, paalam, paalam na
Paalam, paalam, paalam na
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Hindi na, hindi na, hindi na

No comments:

Post a Comment