Cerberus - Abra ft. Loonie & Ron Henley (Official Music Video) - Pinoy Trending Stuffs | OPM Lyrics

Sunday, June 21, 2015

Cerberus - Abra ft. Loonie & Ron Henley (Official Music Video)

Watching Cerberus - Abra ft. Loonie & Ron Henley (Official Music Video)




Abra ft. Loonie & Ron Henley - Cerberus (Official Music Video)

#CERBERUS

Executive Producer: Artifice Records
Music Producer: Lester "Klumcee" Vano
Director / Concept / Editor / Color Grading / Visual FX : Willan Rivera
Head Visual FX / CG Artist: Elpidio Fuentebella Herrera Jr.
CG Effects Artist (UFO Mothership): Josua Furio
Art Director: William P. Rivera
Directors of Photography:
Day 1 - John Escandor Jr
Day 2 - Martin Patacsil
Day 3 - Marck Louie Gumayan
Light Director: Russel Rivera
Aerial Cameraman: Ruel Rodriguez Bugarin of Surgery Production
Sound and Foley Effects: Wendell Rivera
Props Design by: Redfox Technologies
Production Designer : Edmund Palisoc
Art Department: Lean & Mean Machine
Props Coordinator: Jericho Santos
Model/Props Artist: Josef Amarra, Lester Klumcee Vano, Richard Carvajal,
Jayson Cordial, Eddie Ngo & Rochelle Ang
Costume Designer: Lolita Sanchez
Researchers: Moi Yabot & Althird Napenas
Animal Coordinator (Snake,Spider, Monkey,Crocodile & Dinosaur: Gio Andaya
Poster Designer: Ronnie Reyes
Prosthetics: Creature Shop Prosthetics Make-Up Fx by Richard Carvajal
Prosthetics Artist Assistant: Jayson Cordial
Body Paint: Groove Paint by Prince Charles Casem
Photographers: Eli Arce & Christian Paul Dela Cruz
Post Production: Clips Music Video Production

Cerberus - Abra ft. Loonie & Ron Henley



All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Cerberus" lyrics:

ABRA:

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko!
Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad kupad mo
Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan uh
Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
halatang inakala ng iba
na di makapangyarihan ang mga ginayuma
wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan
Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingerong nayamot
pano niyo ko hihilahin sa balong malilim e hindi niyo nga ko maabot
bratatatatatara chik chik bang! o di ba nakakatakot?
pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
kapag sure hit na ang mga pasabog
sino ba yan? sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
kahit gago,makabago, makatao at makatarungan eto na si abra tantananan.
di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit
ang dami paring mga tumitingala braaaa!

LOONIE:
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak
tignan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka
wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin
bituwin at lupa
libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat
mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka
pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet
ako si kamatayan bumaba mula sa langit
alam mo ba kung bakit? para sindihan ka nang buhay
hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2pac
susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
upang makita nila lampas bente ang taas
maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
di na pwedeng lumabas

RON HENLEY
sige pumasok ka sa loob ng aking utak
para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
mga kabit-kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin
kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along
kayang lumamon ng isla
salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam
dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman
nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
yung iba ay naglabas ng pala, piko, asarol
sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
sariling ataol
tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos
nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos.